Skip to content
← All music
Video in production

Na-miss ko ang Pasko dati

Isang OPM Christmas reflection tungkol sa Paskong kinalakihan, pamilya, at pag-alala na may Pasko dahil kay Kristo.

Written & composed by Rammel Larrobis

Christmas release in preparation; no public streaming date is locked yet.

Na-miss ko ang Pasko dati cover art

Sing along

Lyrics

Read the full lyrics
Na-miss ko ang Pasko dati Na-miss ko ang Pasko dati Setyembre pa lang may puno na kami Kahit luma ang dekorasyon, ang saya-saya pa rin May parol sa bintana, may ilaw sa paligid At bawat bahay sa gabi, parang bituin sa dilim May tansan na pinukpok, sa kahoy ipinako Tambourine na namin 'yon, sabay takbo sa kanto Lata ng gatas at plastik, ginawa naming tambol Kahit sintunado kami, tuloy pa rin ang carol Sa umaga pa lang, sa radyo maririnig Mga kantang pamasko, buong bahay umaawit Wala mang mamahaling bagay Parang ang yaman-yaman ng buhay Na-miss ko ang Pasko dati Ang ingay, ang saya sa gabi Simpleng bagay, simpleng handa Pero sama-sama ang pamilya Na-miss ko ang Pasko dati Bawat tahanan parang may ngiti At kahit kaunti lang ang meron Parang punong-puno ang Pasko noon Umaga pa lang abala na sa kusina Pinaghahandaan ang espesyal na noche buena May tawanan sa mesa, may kuwentuhang walang hanggan Tunay na kaharap mo, hindi larawan sa isang screen lang Pagdating ng hatinggabi, buong kalye'y gising May buga at paputok, may sigawan sa hangin Hindi man engrande ang fireworks sa langit Bawat bahay nagdiriwang, bawat pinto'y bukas din Na-miss ko ang Pasko dati Ang ingay, ang saya sa gabi Simpleng bagay, simpleng handa Pero sama-sama ang pamilya Na-miss ko ang Pasko dati Bawat tahanan parang may ngiti At kahit kaunti lang ang meron Parang punong-puno ang Pasko noon Ngayon Disyembre na, bakit parang tahimik May ilaw pa rin naman, pero may kulang sa paligid Magkakatabi sa mesa, pero magkakalayo Bawat isa may hawak na sariling mundo Ang mga bata nasa bahay, pero hindi naglalaro May kausap sa malayo sa larong nasa telepono Ang pagkain mas marami, mas madaling bilhin Pero bakit 'yung dating saya, ang hirap nang hanapin Akala ko ang nami-miss ko Ay Paskong aking nakaraan Ang parol, ang caroling At ingay sa lansangan Pero baka hindi panahon Ang tunay na nagbago Baka sa dami ng ating ginagawa May Isa tayong nakalimutan May Pasko Dahil kay Kristo May Diyos na bumaba At naging tulad natin Dumating bilang sanggol Upang tayo'y tubusin Ang pinakamagandang regalo Hindi nakabalot kailanman Pag-ibig ng Diyos ang dumating Para sa buong sanlibutan Na-miss ko ang Pasko dati Pero kaya pa nating ibalik Hindi lang ilaw, hindi lang handa Kundi pag-ibig sa bawat isa Iwan muna ang telepono Halika't magkuwentuhan tayo Awitin natin ang mga lumang kanta At yakapin ang ating pamilya At higit sa lahat, alalahanin Kung bakit may Pasko sa atin Dahil dumating si Kristo Ang pag-asa ng mundo Kaya ngayong Pasko Bago matapos ang gabi Buksan natin ang tahanan Buksan natin ang puso Baka ang Paskong nami-miss natin Ay hindi naman talaga nawala Kailangan lang nating Maalala

For listeners & musicians

Music resources

LyricsRead on this page
ChordsIn preparation
Minus OnePlanned after release

Using this song in church or ministry? Read our Ministry use policy.

Song credits

Words / Lyrics: Rammel Larrobis
Hymn / Melody: Rammel Larrobis
Streaming Artist: Lift Light Music
Presented by: Lift & Light Music
Rights Owner: Rammel Larrobis

Share & support the music

From our listeners

Share your story

What does this song mean to you? Share a reflection or testimony for private review. You can remain anonymous, and choose whether we may publish your message.